NGIPIN ATBP...
-
TMJ DISORDERS
TMJ DISORDERS
TMJ DISORDERSAng mga karamdaman o pananakit ng mga kasu-kasuan ng ating panga (TMJ: Temporomandibular joint) at mga kalamnan (Muscles), na karaniwang tinatawag na "TMD": Temporomandibular Disorders (Minsan ay nagkakamaling tawaging "TMJ") ay anggrupo ng mga kondisyon na nagdudulot ng sakit atdysfunction sa kasukasuan ng panga at sa mga kalamnanna kumokontrol sa paggalaw ng panga.Hindi pa natin alam kung gaano talagang karaming tao ang may karamdamang ito, ngunit iminumungkahi na ito ay mahigit ng 10 milyong katao sa America ang apektado.Ang kundisyon ay mukhang mas Karaniwan sa Babae kaysa sa lalaki.Para sa karamihan ng mga tao, ang pananakit na malapit sa mga kasukasuan ng panga o mga kalamnan ay hindi naman kaagad senyales ng isang seryosong problema.Sa kadalasan, ang kondisyong ito ay paminsan-minsang pansamantala lamang ngunit nangyayari paulit-ulit.Ang pananakit na ito, sa kalaunan, ay nawawala nang bahagya sa pamamagitan ng kahit mga simpleng lunas lamang.Ngunit gayunpaman, minsan ay lumalala rin at nagiging pangmatagalan ang mga sintomas.Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa "TMD" o mga sakit sa iyong "TMJ", huwag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa.Ang mga mananaliksik, siyentipiko at mga doktor din, ay naghahanap ng mga kasagutan sa kung ano ang sanhi ng mga kondisyong ito at kung ano ang pinakamahusay na pamamaraan ng paggamot ng TMD.Hanggang sa magkaroon tayo ng tunay na siyentipikong ebidensya para sa ligtas atmabisang paggamot ng sakit na ito, mahalagang iwasan, kung posible, ang mga pamamaraan na maaaring magdulot ng mgapermanenteng pagbabago sa iyong kagat o panga.Ang booklet nasa itaas ay nagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon na dapat mong malaman kung ikaw ay nasabihan ng iyong dentista o doktor na mayroon kang TMD o TMJ disorder.Kaya basahin itong mabuti upang maintindihan at malaman kung ano ang iyong dapat gawin. -
Ang Tamang Paggamit ng "Dental Floss"
Ang Tamang Paggamit ng "Dental Floss"
Isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng pangangalaga sa ngipin ay ang regular na paglinis nito. Minsan, kahit gaano kagaling ang pag-sipilyo mo ng ngipin, may mga hindi mo pa rin nararating na mga sulok at espasyo. Iyan ang dahilan kung bakit napakahalaga ring matutunan ang tamang paraan ng paggamit ng tinatawag na "dental floss".
Ang gamit ng dental floss ay isang epektibong paraan upang alisin ang mga tinatawag na "plaque" na nakadikit sa pagitan ng mga ngipin. Ang mga plaque na ito ay nagmumula sa natitirang pagkain sa bibig na binahayan na ng mga iba't-ibang uri ng bacteria na nagiging dahilan ng mga sakit sa mga ngipin at gilagid. Kaya nga, mahalagang regular na gamitin ang dental floss upang mapanatiling malusog ang mga ngipin at gilagid.
Piliin ang Tamang Floss
Mahalaga ang pagpili ng tamang uri ng dental floss na iyong gagamitin. Ang dental floss ay may iba't ibang klase, gaya ng: waxed, unwaxed, flavored, o unflavored. Mahalagang piliin ang uri na nababagay sa iyong mga kagustuhan at pangangailangan.
Para sa mga may masisikip na pagitan ng mga ngipin, ang manipis na floss ay maaaring maging mas epektibo, habang ang mga indibidwal na may mas malawak na mga puwang ay maaaring mangailangan ng mas makapal na floss. Inirerekomenda na kumunsulta sa iyong dentista upang matukoy kung alin talagang floss ang pinakamainam para sa iyo. Ngunit ang isang ordinaryong klase ay sapat na sa pang-araw araw na gamit.
Steps sa Paggamit:
Una at higit sa lahat, siguraduhin na ang iyong mga kamay ay malinis bago magsimula sa proseso ng paggamit ng dental floss. Ito ay upang maiwasan ang paghahatid pa ng mga karagdagang maruruming mikrobyo o bacteria sa loob ng iyong bibig.
Mula sa rolyo o lalagyan, pumutol ng isang pirasong dental floss na may habang mga 18 hanggang 24 pulgada. Ito ay sapat na haba upang masakop ang lahat ng ngipin at pagitan ng mga ito. (Ang rekomendasyon na ito tungkol sa haba ng floss na gagamitin ay ayon sa ilang artikulong mababasa natin sa internet, ngunit depende talaga ang haba kung saan ka komportable at sa sarili mong istilo ng paggamit)
1. Irolyo ang floss paikot sa bawat hintuturo ng magkabilang kamay, hanggang maging 2-3 pulgada na lamang ang matitira sa pagitan.
2. Gamit ang dalawang daliri sa tulong ng bawat hinlalaki, unti-unti at dahan-dahang i-pilit idaan ang dental floss sa pagitan ng bawat ngipin.
3. Kapag naipasok na, maingat na igalaw ng paikot-ikot at ikuskos sa magkabilang gilid hanggang malinis ang pagitan na ito.
3. Siguraduhin na hindi ito lumalagpas at dumidiin ng sobra-sobra sa gilid ng mga ngipin upang hindi masugatan ang gilagid.
4. Para sa mas magandang resulta, gawin ito sa bawat pagitan ng lahat ng iyong mga ngipin at siguraduhing bawat espasyo na dinaanan ng floss ay nalinis ng mabuti.
5. Mahalaga rin na matutuhan ang tamang paraan ng maingat na paghila ng dental floss palabas ng pagitan ng ngipin.
6. Mahalaga din ang paglipat lipat sa parte ng floss na ipapasok sa pagitan ng ibang ngipin upang hindi na magamit paulit ulit ang mga gamit nang parte nito. Kaya mahalaga na sapat ang haba ng putol ng floss na gagamitin. Kung hindi sapat at kinulang, ay pumutol ulit ng panibago.
Pwede rin gumamit ng "floss holders" o mga nabibiling "floss picks". Mag-ingat nga lang sa paggamit ng matulis na dulo nito baka matusok ang gilagid mo.
Maaaring sa umpisa ay makakita ka ng pagdudugo ng gilagid at mapapansin mo ang dugo sa ginamit mong floss. Huwag matakot at mag-alala dahil ang dumi at bacteria mismo ang dahilan kung bakit nagdudugo ang gilagid mo at ang floss ay makakatulong sa pagbawas sa pagdudugong ito kung gagawin ng regular. (Kung patuloy pa rin ang pagdudugo, magpakonsulta sa dentista)
Maaaring magmumog gamit ang ordinaryong mouthwash o malinis na tubig pagkatapos mag floss.
Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng dental floss, tunay na makakatulong ito sa paglinis at pagtanggal sa mga tirang pagkaing nakasingit at maruming plaque sa pagitan ng ating mga ngipin.
Huwag ng mag atubili pa at gawin na itong regular at parte na ng pang araw araw na gawaing pangkalusugang pang-bibig katulad ng pagsisipilyo.
-
Ano ang veneers at ano ang epekto nito sa natural na ngipin?
Dapat ay malinaw sa mga pasyente na ang pagpapagawa ng dental veneers sa dentista ay kadalasang nangangailangan ng permanenteng pagbawas sa harap na bahagi ng mga ngipin na paglalagyan nito. At pagkatapos ay 'saka ito didikitan sa ibabaw ng mga porselana o mga mala-porselanang materyales para mabuo muli ang mga ito. Sa pamamagitan ng mga veneers ay maaaring mabago ng dentista ang hugis, kinis at kulay ng harap at ibabaw mga ngipin base sa pangagailangan ng pasyente. Kung maganda at bagay sa pasyente ang pagkakagawa ay tunay rin namang napakaganda ng resulta ng cosmetic treatment na ito.
Ngunit ang mga veneers ay hindi panghabangbuhay. Maaaring kailanganin itong palitan kung sila ay mapingas, magkaroon ng sira sa mga gilid o kaya ay matanggal. Sa tuwing pinapalitan ang mga ito ay maaari ding mabawasan pang muli ang ngipin para magawan ng bagong veneers. At ito ay mayroon pa ding kaukulang dagdag gastos at oras. Kaya nararapat na pag-isipang mabuti bago magpaggawa nito. Nararapat na maipaliwanag muna sa iyo ng iyong dentista kung talaga bang kinakailangan mo ang mga ito.
Basahin ang english article sa ibaba
Dental
-
Bakit Napupudpod ang mga Ngipin ko dahil sa Pagkikiskisan Nila Habang Ako ay Natutulog? (Night grinding)
Ang hindi sinasadyang pagkikis-kisan o labis na paggiling ng mga ngipin laban sa isa't-isa na madalas nangyayari habang natutulog ay tinatawag na "bruxism". ¹Ito ay hindi normal na aktibidad ng ating mga bibig, panga at ngipin. Wala itong kaugnayan sa normal na functions ng bibig gaya ng pagkain o pakikipag-usap.Ang bruxism, base sa ilang pag-aaral, ay nararanasan ng mula 8% hanggang 31% sa pangkalahatang populasyon.²Ang ilang mga sintomas na karaniwang nauugnay sa bruxism ay ang mga sumusunod:- pananakit ng mga kalamnan o muscles ng panga
- pananakit ng ulo
- sobrang sensitibong mga ngipin
- pagkasira at pagkapudpod ng ngipin
- pinsala o pagkawasak sa mga pasta, jacket o crown at iba pang mga treatment na ginawa upang mabuong muli ang mga dating nasirang ngipin ³
Ang mga sintomas nito ay maaaring minimal lamang, at hindi masyadong napapansin ng pasyente ang ganitong kondisyon. Pero kung ito ay mapabayaan, maraming ngipin ang tuluyang mapupud-pod at masisira. Nangyayari din ito sa ilan kahit sila ay gising at hindi lamang kung kelan sila ay natutulog. Ang tawag dito ay "daytime o awake bruxism".Tunay na kumplikado ang pagbibigay lunas sa problemang bruxism. Ito ay hindi lamang problemang pang-ngipin, kaya bukod sa dentista, kinakailangan din ng iba pang medical at health professionals na magtulong-tulong sa pagbibigay ng lunas sa problemang ito.Ang isang tulong na maaaring maibigay ng iyong dentista ay ang pag protekta sa 'yong mga ngipin sa pamamagitan ng tinatawag na "night guard". Makapagbibigay din sya ng abiso kung ano ang pwedeng gawin upang ito ay maiwasang lumala lalo na kung nangyayari ito sa iyo kahit ikaw ay gising.Occlusal or Night GuardBumisita sa iyong dentista upang maipaliwanag sa iyo kung papaano ito maaring mabigyan ng tamang lunas.References:- Wassell R, Naru A, Steele J, Nohl F (2008). Applied occlusion. London: Quintessence. pp. 26–30. ISBN 9781850970989.
- Manfredini D, Winocur E, Guarda-Nardini L, Paesani D, Lobbezoo F (2013). "Epidemiology of bruxism in adults: a systematic review of the literature". Journal of Orofacial Pain. 27 (2): 99–110. doi:10.11607/jop.921. PMID 23630682.
- Tyldesley WR, Field A, Longman L (2003). Tyldesley's Oral medicine (5th ed.). Oxford: Oxford University Press. p. 195. ISBN 978-0192631473.
-
Babala tungkol sa DIY Braces
Muling Babala tungkol sa DIY braces:
[Translated from English to Filipino with Google Translate]
"Nagpadala na ng babala ang Department of Trade and Industry (DTI) laban sa mga nagbebenta ng DIY braces at retainer. Sinabi nila na ang pagbebenta ng mga ito sa merkado o online ay sa katunayan ilegal at ang pamamaraan ng paglalagay ng mga braces at retainer ay dapat lamang gawin ng isang propesyonal na klinika ng ngipin o dentista."
"Kapag nahuli, pagmumultahin ka ng P500,000 at ikukulong ng 5 hanggang 12 taon."
Mula sa gmanetwork.com
https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/healthandwellness/702648/the-dangers-of-diy-braces/story/?amp
Follow our facebook page ngipinatbp.
-
Mga Maliliit na Robot na Nagkukuskos ng Ngipin, Ginawa ng mga Siyentipiko
US National Institute of Dental and Craniofacial Research
Mula sa orihinal na artikulo sa Wikang Ingles ni Tiffany Chen
sa website ng US NIH National Institute of Dental and Craniofacial Research
Ang konsepto ng isang toothbrush—na masasabing konseptong "bristles-on-a-stick"—ay hindi gaanong nagbago bilang isang teknolohiya mula pa noong ang mga Babylonians at sinaunang Egyptians ay lumakad sa ibabaw ng mundo mahigit ng 5,000 taon na ang nakalilipas. Ngayon, ang mga siyentipiko sa Unibersidad ng Pennsylvania ay naglalayon na baguhin ang pamamaraan ng paglilinis ng ngipin gamit ang isang pulutong ng mga microscopic na "robot" na maaaring gawin kung ano ang trabaho ng pinag-isang toothbrush, dental floss, at pang banlaw (oral rinse) ng bibig, tulad ng ipinapakita ng video sa itaas. Ang pag-aaral na suportado ng NIDCR, na inilathala sa journal ACS Nano , ay nagpapakita na posible balang araw na maaaring iakma na magamit sa mga totoong tao ang robotic system na ito.
"Nais naming mapabuti ang kalusugan ng bibig para sa mga taong may mga kapansanan at mga populasyon ng matatanda na hirap sa pagsasagawa ng regular na pangangalaga sa bibig," sabi ng dentista-scientist at senior author na si Hyun (Michel) Koo, DDS, PhD. "Ito ay isa sa mga hindi natutugunang pangangailangan ukol sa pangangalaga sa kalusugan ng bibig, at oras na upang baguhin ang teknolohiya."
Ang mga robot ay talagang nano-sized na mga particle ng iron-oxide, bawat isa ay humigit-kumulang na mas maliit ng 100 beses kaysa sa isang butil ng pollen. Sa pagkakaroon ng magnet, ang mga nanoparticle ay nagkukumpol sa isang serye ng mga hibla—parang bristles—na nakahanay sa direksyon ng magnetic field. Sa pamamagitan ng pagmamanipula sa field na ito, ang mga mananaliksik ay maaaring baguhin at kontrolin ang direksyon ng paggalaw ng mga bristles. Maari din nilang baguhin ang lambot at tigas ng hibla, at paikliin o pahabain ang mga bristles nito.
"Isa sa mga magagandang epekto ng paggamit sa mga magnetic field ay maaari itong tumagos sa mga tisyu pero hindi nakakapinsala dahil sa katamtamang antas o lakas lamang na ginagamit natin dito, ibig sabihin ay maaaring maabot ng system ang mga lugar sa kasuluk-sulukan na mahirap abutin ," sabi ng microrobotics engineer at co-senior author na si Edward Steager, PhD.
Sinubukan ng mga mananaliksik ang lakas ng pagkayod ng mga robot sa ibabaw ng ilang mga bagay, kabilang ang isang 3D-printed na modelo ng mga ngipinng pang-harap (front teeth) ng tao, mga tunay na ngiping pang-harap (front teeth) ng tao na naka-mount sa mga artipisyal na gilagid, at isang seksyon ng panga ng baboy na naglalaman ng mga gilagid at ngipin.
Tulad ng ipinapakita ng video sa itaas, ang mga robotic na istrukturang ito ay maaaring i-automate upang magbago ng hugis mula sa mala-bristles na extension patungo sa pagiging mala-floss o tali na umaakma sa hugis ng ibabaw ng ngipin. Ito ay upang makusos din ang mga sulok at siwang sa mga pagitan ng mga ngipin.
Ang isa pang hiwalay na eksperimento ay nagpakita na rin na sapat naman ang lambot ng mga hibla at hindi nakakasira ng mga gilagid ng baboy, ngunit sapat din naman ang lakas upang sirain ang mga tinatawag na "biofilm" o "plaque". Ito ay malagkit na kumpol-kumpol na bakterya at organismo na kumakapit sa mga ibabaw ng ngipin na isa sa mga sanhi sa pagkabulok ng ating mga ngipin at dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa gilagid.
Pagdating sa pagkayod ng biofilms, ang mga robotic nanoparticle na ito ay may isa pang napakagandang trabaho. Mayroon silang natural na kakayahang mag-umpisa ng mga reaksiyong kemikal na naglalabas ng mga molecule na pumapatay ng mikrobyo at lumilikha ng banlawan laban sa mikrobyo sa lugar. Sa mga eksperimento, pinahintulutan nito ang maliliit na pulutong ng mga sundalong robot na hatiin ang mga biofilm at patayin din ang bakterya sa loob. Hindi ito nag-iiwan ng mga buhay na masasamang mikrobyo o pathogen. Ang mga robot ay maaari ring magwalis at mangolekta ng mga tira-tirang duming naipon ng mga patay na mikrobyo. Ayon sa mga siyentipiko, ang mga nakolektang tira-tirang duming materyal na ito ay maaari pa ring masuri upang makita ang mga klase ng mikrobyo (pathogen) at iba pang mga pwedeng tagapagpahiwatig ng kung ano-anong sakit. Balang araw ay maaaring mapatunayan na kapaki-pakinabang ang mga ito para sa paghula at pag-diagnose o pag-alam ng iba't ibang sakit sa oral cavity at pati na rin sa iba pang parte ng katawan.
Ngunit bago talagang makapagpadala ng isang pulutong ng maliliit na robot sa ating mga bibig, sinabi ng mga mananaliksik na kailangan pa rin muna ng ilan pang mga eksperimentong pang klinikal. Upang mapaayos pa lalo ang robotic system at gawin itong abot-kaya para sa pang-araw-araw na paggamit, plano ng team na magdisenyo ng mga prototype na tunay na akma sa loob ng bibig. Naiisip nila ang isang programmable o ganap na automated system na maaaring tunay na umangkop sa oral cavity ng bawat indibidwal na tao at magiging mas "personalized" sa pangangalaga sa pansariling bibig.
Sinusuri din ng grupo ang iba pang mga application o gamit. Sa isang proof-of-concept na pag-aaral na inilathala kamakailan sa Journal of Dental Research , ipinakita ng mga mananaliksik na ang mga microrobots ay maaaring magnetically guided sa loob ng root canal - ito ay ang mga makikitid na daanan ng nerve sa loob ng ugat ng ngipin - upang alisin din sa loob ng canal ang mga biofilm at potensyal na maghatid ng mga gamot papasok din sa loob.
Higit pa sa dentistry, nakikita ng mga siyentipiko ang iba pang posibleng pwedeng gawin ng teknolohiya katulad ng paglilinis sa loob ng mga catheter na kontaminado rin ng biofilm, mga surgical implants, at maging sa mga tubo ng tubig. "Kapag nakita mo ang ganitong uri ng resulta na nagbubukas ng posibilidad ng paggamit ng teknolohiyang ito sa isang ganap na ibang lugar at iba pang mga aplikasyon, ito ay tunay na kapana-panabik," sabi ni Steager.
References
Surface Topography-Adaptive Robotic Superstructure para sa Biofilm Removal at Pathogen Detection sa Human Teeth . Oh MJ, Babeer A, Liu Y, Ren Z, Wu J, Issadore DA, Stebe KJ, Lee D, Steager E, Koo H. ACS Nano . 2022 Hun 28. doi: 10.1021/acsnano.2c01950. Epub bago ang pag-print. PMID: 35764312.
Microrobotics para sa Precision Biofilm Diagnostics at Paggamot . Babeer A, Oh MJ, Ren Z, Liu Y, Marques F, Poly A, Karabucak B, Steager E, Koo H. J Dent Res . 2022 Ago;101(9):1009-1014. doi: 10.1177/00220345221087149. Epub 2022 Abr 21. PMID: 35450484.
Article Source
US National Institute of Health - National Institute of Dental and Craniofacial Research
-
Oral Cancer Screening
Ang buwan ng Abril ay World at National Oral Cancer Awareness Month!
Hinihikayat ng Philippine Dental Association sa pamamagitan ng Philippine College of Oral and Maxillofacial Surgery (PCOMS), na isang Affiliate Specialty Society ng PDA, ang lahat na ibahagi ang poster na ito upang maipakita ang mga panganib ng oral cancer. magpa- Oral Cancer Screening ngayon na!
#PDAwithinreach
-
Ano nga ba ang Gum Disease?
Featured Dentistry Student Blog Article
Ano nga ba ang Gum Disease?
Ayon sa 2006 National Oral Health Survey (NOHS), 74% ng mga labindalawang taong gulang na Pilipino ay mayroong gingivitis. Ayon naman sa National Monitoring and Epidemiological Dental Survey (NMEDS) 1998, 78% ng mga Pilipino ay mayroong gum disease. Marahil karamihan sa mga Pilipino ay mayroon nito ngunit walang ideya kung ano nga ba ang gum disease at kung paano ito makakaapekto sa kanilang kalusugan at buhay.
Photo by Marek Studzinski on UnsplashAno nga ba ang gum disease? Ang ating mga bibig ay punong puno ng bacteria. Ang mga ito ay dumidikit sa ating mga ngipin sa anyo ng isang "film" at ito ay tinatawag na plaque. Nagsisimula ito sa gingivitis, o pamamaga ng gilagid dulot ng mga naipong bacteria sa loob ng bibig. Kapag hindi ito natanggal sa pamamagitan ng pagsesepilyo, maaari itong mamuo at maging calculus o tartar at maaari itong magdulot ng periodontitis. Ang gum disease o periodontitis ay ang impeksyon ng mga tissue na pumapaligid sa ating mga ngipin. Kapag lumala, maaari itong magdulot ng pagdurugo at pamamaga ng mga gilagid na sumasakit habang kumakain. Maaari rin itong maging sanhi ng pagkabunot ng ngipin.
Ano ang sanhi ng gum disease? Kapag ang plaque o ang film ng bacteria na nakadikit sa ibabaw ng ngipin ay hindi natanggal sa pamamagitan ng pagsesepilyo, maaari itong mamuo, tumigas at maging tartar. Dahil rito, magiging mas mahirap linisin ang ngipin at mga tissue na nakapaligid dito na maaaring maging sanhi ng gum disease o periodontitis. Bukod rito, maaari rin itong maging epekto ng paninigarilyo, pati na rin ng diabetes.
Photo by Caroline LM on Unsplash
Ano nga ba ang mga senyales ng pagkakaroon ng gum disease? Ang taong may gum disease ay mayroong namumula at namamagang gilagid na maaaring sumasakit habang ngumunguya o kumakain. Mapapansin din ang pagiging sensitibo ng ngipin tuwing kumakain ng mga malalamig o matatamis na pagkain. Kapuna-puna rin ang tila paghaba at pag-uga ng mga ngipin. Kapag napapansin mo ang mga senyales na ito, makabubuting bumisita sa dentista upang mabigyan ng mga kinakailangang treatment.
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng gum disease? Maraming paraan na pwedeng gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng periodontitis. Isa na rito ang pagsesepilyo nang hindi bababa sa dalawang beses sa isang araw gamit ang fluoride toothpaste. Inirerekomenda ring gumamit ng dental floss upang malinis ang pagitan ng dalawang ngipin upang maiwasan ang pag-iipon dito ng plaque na maaaring mamuo at maging tartar. Pinapayuhan ring bumisita sa inyong dentista para sa regular check-up at cleaning.Kathleen Joy Lorraine D. Rosales
Dentistry Student, UP College of Dentistry
-
(10) Sampung Paraan sa Pag-aalaga ng Ngipin at Gilagid
Upang mapanatiling malusog at malinis ang ating mga ngipin at gilagid, sundin ang sampung paraan na ito:1. Magsipilyo ng ngipin dalawang beses man lamang sa isang araw gamit ang isang sipilyong mayroong "soft bristles". Sipilyuhin ang ibabaw, harap, likod at gilid ng ngipin na hindi bababa sa 2 minuto.
2. Gumamit ng fluoride toothpaste. Nakakatulong ang fluoride na patibayin ang "enamel" ng ngipin upang maiwasan ang pagkabulok nito.
3. Palitan ang iyong toothbrush tuwing 3 hanggang 4 na buwan (o pwede ring mas maaga o mas madalas) kung kinakailangan. Ang isang luma at sira-sirang toothbrush ay hindi na rin ganon ka-epektibo sa paglilinis ng iyong mga ngipin. Kung gumagamit ka ng electric toothbrush, ganon din kadalas ang pagpalit ng "head" (ulo) nito.
4. Mag dental Floss ng hindi bababa sa isang beses bawat araw. Pinakamabuting mag-floss pagkatapos magsipilyo. Ang flossing ay nag-aalis ng dumi o "plaque" (na punong puno ng bacteria) na naiiwan pa rin madalas pagkatapos magsipilyo, lalo na sa mga pagitan ng magkatabing ngipin at pati na rin sa pagitan ng ngipin at mga gilagid.
5. Kumain ng malulusog at masustanyang pagkain. Mas maliit ang posibilidad na magkaroon ka ng sakit sa gilagid kung kakain ka ng masusustansyang pagkain. Iwasan din ang mga sobrang matatamis na pagkain at inumin. Ito nakakapagtaas ng tyansa ng pagkasira ng iyong ngipin. Kung kumain ka o umiinom ng matatamis, siguruhing magsipilyo kaagad pagkatapos.
6. Huwag manigarilyo. Ang paninigarilyo ay napag-aralan na nakakapagdulot ng mas maraming problema sa kalusugan ng ngipin at gilagid.
7. Panatilihing malinis ang mga pustiso, retainer, mouthguard at iba pang "dental appliances" na kasalukuyang ginagamit sa loob ng iyong bibig. Isang paraan nito ay ang regular na pagsipilyo sa mga ito habang nakatanggal at hindi sinisipilyo habang nasa loob ng bibig. Maaaring kailanganin mo ring ibabad ang mga ito sa isang "cleanser" o mga solusyong sadyang panglinis sa mga ito.
8. Bumisita at magpa-checkup ng regular sa iyong dentista. Inirerekomenda ng maraming dentista na bumisita sa dental clinic para makapagpalinis ng ngipin tuwing 6 na buwan at upang ma-checkup na rin ang kondisyon ng bawat ngipin, gilagid at iba pang parte ng bibig. Para kung sakaling may problema ay mas maaagapan kaagad ito.
9. Maaaring kailanganin naman ang mas madalas na pagpapatingin sa dentista tuwing 3 hanggang 4 na buwan kung ang iyong gilagid ay hindi malusog o mayroong "gum disease" na binabantayan at patuloy na ginagamot.
10. Kung ikaw ay may braces at nasa pangangalaga ng isang orthodontist, kinakailangang sundin ang mga naka-schedule na mga appointments hanggang matapos ang kabuuang treatment. Ito ay dahil sa naka base sa tamang oras at panahon ang mga schedule ng prosesong katulad ng adjustments at pagpapalit ng wires ng braces. Sundin ang ang mga bilin ng iyong orthodontist sa pag-aalaga at paglilinis ng mga ngiping meron "braces" o "brackets".
-
Project TOOTH AIC - The Online Oral Treatments and Health Awareness Information Campaign
Project TOOTH AIC - The Online Oral Treatments and Health Awareness Information CampaignRY 2014-2015 Rotary District 3800Best Project on Disease Prevention and TreatmentProject Proponent:Charlie N. Atienza, DDMPresident, Rotary Club of Pasig West
RY 2014-2015
Rotary International District 3800Know more about the project:_________________Project TOOTH AIC 2014The Online Oral Treatments and Health Awareness Information Campaign"TOOTH AIC": The Online Oral Treatments and Health Awareness Information Campaign. The main objective of this project is to spread information about oral health through popular social media: specifically through facebook, twitter, youtube, instagram and blogspot.We know that oral health information websites are already abundant in the internet, but what makes RCPW's project different is that the content that will be offered to the readers is mostly in our native Filipino language. This project is in partnership withpinoydental.com's advocacy website ngipin atbp... established as early as 2007 which also aimed to educate Filipinos on Oral health. Please like and share our sites and social media pages below:In Partnership with:ABOUT THE PROJECT: -
Bata, Bata, Paano ka Ngumiti? The Oral Health Status of the Filipino Youth by JD Solis
Featured Dentistry Student Blog Article
Bata, Bata, Paano ka Ngumiti? The Oral Health Status of the Filipino Youth
By Jean David Solis
4th Year Dentistry Student
University of the Philippines Manila
College of DentistryWatch:📚 In the latest studies, about 87.7% of five-year-old Filipino children are known to suffer from tooth decay (NMEDS 2011) while 74% of twelve-year-old children suffer from gingivitis (NOHS 2006).
This leads to various detrimental effects on the child’s life. In fact, according to a study, children who suffer from poor oral health are 12 times more likely to have restricted-activity days (USGAO 2000). Sa bansa natin, ang toothache o ang pananakit ng ngipin ay ang pangunahing dahilan sa pagliban sa klase ng mga batang mag-aaral (Araojo 2003, 103-110).
Makatutulong ang mga social media platform tulad ng Facebook, Twitter, TikTok, at iba pa upang ibahagi sa publiko ang mga tamang pamamaraan upang pangalagaan ang ngipin at bibig ng mga bata:
❌💦 No Rinse Technique 💦❌
Napatunayan sa isang pag-aaral na mas nakabubuti sa ating mga ngipin kung mas matagal itong mae-expose sa fluoride na nasa toothpaste. Dahil dito, isang no rinse technique ang nirerekomenda sa lahat. Pagkatapos magsipilyo, imbis na magmumog gamit ang tubig ay dapat direktang idura na lamang ang bula ng toothpaste upang may matirang fluoride sa mga ngipin. Dapat ay gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak upang huwag malunok ang sobrang bula ng toothpaste.
🍬 Pag-iwas sa Pagkain ng Matatamis 🍬
Ang sucrose na nasa asukal ng mga candy ay paboritong pagkain ng mga bacteria sa ating bibig. Sa palagiang pagkain ng mga bata ng candy ay binibigyan din natin ng pagkain ang mga bacteria na ito upang dumami. Kalaunan ang mga ito ay magre-release ng acid na siyang sisira sa ngipin ng mga bata. Kaya, mas mabuting iwasan ang pagbibigay ng candy sa mga bata at humanap ng ibang alternatibo tulad ng mga prutas.
Ang isang simpleng share o retweet ay mistulang isang patak sa isang malawak na karagatan. Subalit, kung pagsasama-samahin ay maaaring maging isang malaking alon na ang dala ay kaalaman at pagbabago na maaaring magsilbing pag-asa para sa nakababahalang kalagayan ng oral health ng ating mga kabataan.
A brighter smile leads to a brighter future
#LittleHandsHangad2021
#JoiningHandsForLittleHands
#ToABrighterSmile
#ToABrighterFuture
-----------
References
Department of Health (n.d.). Dental Health Program. Retrieved from https://doh.gov.ph/dental-health-program
Mendoza, M. (2015). Testing for a fluoride toothpaste utilization formula: Does rinsing after toothbrushing affect dental caries prevention? Philippine Journal of Health Research and Development, 19(2). https://pjhrd.upm.edu.ph/index.php/main/article/view/32?fbclid=IwAR1SDnL36Jahf13rQiZMQVTBHI4zTsPRwJvtTJVz62uyqRFgM0U1ikn453w
Mendoza, Michael & Zarsuelo, Ma-Ann & Estacio, Leonardo & Silva, Ma. Esmeralda. (2020). Examining the Oral Health of Filipinos: Policy Analysis. Acta medica Philippina. 54. 10.47895/amp.v54i6.2590.
Rappler.com (2015). Infographic: Behind the Filipino smile. Retrieved from https://r3.rappler.com/brandrap/47896-oral-b-behind-the-filipino-smile
Suerte, M. J. R. (2015, November 23). Should you rinse your mouth after you brush? Study recommends no-rinse tooth brushing practice in oral health education programs. PCHRD Website. https://www.pchrd.dost.gov.ph/index.php/news/5009-should-you-rinse-your-mouth-after-you-brush-study-recommends-no-rinse-tooth-brushing-practice-in-oral-health-education-programs?fbclid=IwAR2giVKe2GjWdspuFQpS_EQ8PM5G-uyxHFigOLIUt2eMke1ekNmZmn_FUug
Wahlström S. National Monitoring and Evaluation Dental Survey (NMEDS) [Internet]. 2011 [cited 2018 Jul 31]. Available from: https://www.mah.se/CAPP/Country-Oral-Health-Profiles/WPRO/Philippines/Oral-Diseases/Dental-Caries/
‐--------------
This is a very good example of how the power of social media is harnessed and used in educating the general public on oral health. An initiative in parallel with RCPW's Project TOOTH AIC which began in 2014. Much Thank you Mr. JD Solis and keep up the good work!
Know more about PROJECT TOOTH AICand send us any similar initiatives that you may be willing to share with us.
CNADDM
-
Mga Braces Na Hindi Gaanong Kita (Part 2)
Ang artikulong ito ay ikalawa ng bahagi (Part 2), unahing basahin ang (Part 1) bago ito.
Anu-ano ang mga uri ng braces na hindi gaanong nakikita?
1. Ceramic braces: Ang unang klase ay tinatawag na "Ceramic Braces". Gawa ang mga ito mula sa mga sangkap na halos kakulay ng natural na ngipin. Ang mga parteng nakikita katulad ng "brackets" (maliban sa "wire" at "bands"), ay hindi gawa sa bakal kundi gawa sa "ceramic" na halos ay pwede ngang kakulay ng ngipin.
Ikinakabit ang mga ito sa mga ngiping nakikita kapag nagsasalita, ngumungiti o tumatawa ang mga pasyente.
Fig. 1 Ceramic Braces Katulad ng litrato sa itaas (Fig. 1 Ceramic Braces), kailangan nga lang pa rin lagyan ng metal "wire" ang braces, pero nagmumukha lamang naka "retainers" ang pasyente dahil hindi gaanong kita ang mga "brackets".
Fig. 2: ceramic at metal kombinasyon Isang paraan din ang paggamit ng kombinasyon na ceramic at metal. Ceramic para sa mga ngiping nakikita at metal naman sa mga ngiping nakatago. (Fig. 2)
Ano ang mga kalamangan at benepisyo nito kumpara sa standard o conventional metal braces?
- Unang-una ay ang pagiging halos tago nito dahil kakulay ng ngipin.
- May mga pag-aaral na nagsasabing mas mababa ang porsyentong nagkakaroon ng allergy dito kumpara sa bakal na may lamang Nickel.
- Meron ding pag-aaral na nagpakita na nagiging mas malinis sa ngipin ang pasyente dahil ayaw na nakikita kaagad ang dumi sa mga puting brackets. Pero ito ay depende pa rin sa pag-uugali ng pasyente sa kanyang sariling oral hygiene.
- Hindi gaanong nakaka-istorbo sa mga "imaging tests" katulad ng x-ray, ct-scan at MRI.
Ano naman ang kalamangan ng Metal braces dito sa Ceramic?- Bahagyang mas makapal at matambok kaysa sa metal, kaya maaaring medyo mas matagal maka adjust at maging komportable ang pasyente.
- Mas madaling maapektuhan ang kulay at mas kita ang dumi
- Mas matibay ang metal kaysa dito
- Mas mahirap tanggalin dahil malutong at pwedeng mabiyak
- May mga pag-aaral na nagsasabing maaaring bumaba ng bahagya ang mineral ng ngiping pinagkapitan nito ngunit ito ay base sa laboratoey test lamang.
- Mas mahal ito kaysa sa metal braces.
Mapa ceramic man o metal, parehong epektibo bilang isang orthodontic dental treatment ang mga sistemang ito. Parehong epektibong nakakapag-ayos ng posisyon at pagkakahanay sa mga ngipin upang gumanda ang kalidad ng pamumuhay at kalusugan ng pasyente. Kaya alinman sa dalawa, ay mapaguusapan mo at ng iyong dentista ang nababagay sa pangngailangan mo.IPAGPATULOY:PART 3 (abangan)by CNADDM -
Mga Braces Na Hindi Gaanong Kita (Part 1)
Pangarap ng marami na magkaroon ng isang magandang ngiti at may mga ngiping halos pantay-pantay at walang sungki. Ito'y maaaring makamit sa pamamagitan ng tinatawag na "braces". Ang orthodontic braces ay isang uri ng dental treatment, na isang lisensyadong dentista lamang ang maaaring makapagbigay sa kanyang pasyente.Dumadaan ang isang dentista, bukod sa kanyang anim na taon nang pag-aaral, ng karagdagan pang training para lamang makapagbigay ng ganitong uri ng dental service. Kaya hindi ito basta-basta, at itinuturing pa nga itong isang "specialization" ng dentistry na tinatawag na "Orthodontics".Kaya may mga batas na matinding ipinagbabawal sa sinumang hindi lisensyadong dentista na magkabit ng mga braces na ito. (See DIY braces)by CNADDM
-
Ang Tamang Pamamaraan ng Pagsesepilyo
-
Ano ba ang isang Dental Assistant?
Ano ba ang isang Dental Assistant?
Ang mga dental assistants ay mahalagang miyembro o parte ng isang dental clinic. Malaking tulong ang mga ito upang makapagbigay ang isang dentista ng maayos at may kalidad na serbisyo sa kanilang mga pasyente.
Ano ba ang mga Responsibilidad ng isang Dental Assistant?
Ang mga tungkulin ng Dental Assistant, bilang isang miyembro ng healthcare workforce, ay nangangailangan hindi lamang ng sapat na pagsasanay ngunit pati na rin ng pagkakaroon ng malasakit sa mga pasyente. Sa ibang bansa, ang dental assistant ay itinuturing pa nga na katulad ng isang nurse sa isang clinic.
Ano-ano nga ba ang mga trabaho at responsibilidad ng pagiging isang dental assistant. Bagama't magkakaiba ang mga regulasyon ng bawat estado o bansa, ayon sa isang artikulo sa website ng American Dental Association (ADA) ang mga sumusunod ay maaring kasama sa mga tungkulin ng isang Dental Assistant:
- pagtulong sa dentista sa iba't ibang mga pamamaraan sa paggamot pang-dental
- (Kung may sapat na pagsasanay) pagkuha at pagbuo ng mga radiograph ng ngipin (x-ray)
- Tumutulong sa pagtatanong tungkol sa medical history ng pasyente at pagkuha ng presyon ng dugo at pulso
- nagsisilbi bilang isa sa responsable sa pagpapanatiling malinis ang clinic, pagpapatupad ng infection control protocol at paghahanda at pag-sterilize ng mga instrumento at kagamitan
- pag-alalay at pagtulong sa mga pasyente na maging komportable bago, habang at pagkatapos ng dental treatment
- pagbibigay sa mga pasyente ng mga karagdagang tagubilin para sa pangangalaga sa bibig kasunod ng isang operasyon o pagkatapos ng iba pang mga pamamaraan sa paggamot sa ngipin
- pagtulong sa pagtuturo sa mga pasyente ng naaangkop na pamamaraan sa kalusugan at kalinisan ng bibig katulad ng pagsisipilyo, flossing at tamang pagkain
- (Kung may sapat na pagsasanay) pagkuha ng mga impression ng ngipin ng mga pasyente para sa dental casts o mga modelo ng ngipin
- pagsasagawa ng mga gawaing may kinalaman sa pamamahala ng dental clinic katulad ng pagaalaga ng patient records, mga gamit at supplies
- pakikipag-usap sa mga pasyente tungkol sa pag-iiskedyul ng mga appointment, pagsagot sa telepono, pagsingil at pag-order ng mga supply
- pagtulong sa dentista upang magbigay ng direktang pag-aalaga sa pasyente sa ibang mga specialty sa ngipin, kabilang ang orthodontics, pediatric dentistry, periodontics at oral surgery
Ayon naman sa isang Dental association sa Canada (BCDA British Columbia), dalawang klase mayroon ang dental assistant. Merong tinatawag na Certified Dental Assistant (CDA) na sinanay sa isang kursong may diploma sa isang kolehiyo. Pero meron din namang mga dental assistant na hindi dumaan sa isang pormal na pagsasanay ngunit nagkaron ng komprehensibong "on-the-job training"..Sa Pilipinas, bihira ang mga nagbibigay ng pormal na edukasyon at pagsasanay para maging isang dental assistant. Karamihan na nag-aaply sa trabahong ito ay mga dentista na hindi pa nakakapag board exam o di kaya ay mga nurses at dental students. Marami ding DA ang nagumpisa na walang kahit anong karanasan sa trabahong ito pero nag-apply at natanggap bilang mga trainee at ngayon ay mga eksperyensadong dental assistants na rin.Kung nais mong sumubok mag apply, pwede kang sumali sa grupo na ito kung saan ay merong mga job and training opportunities bilang isang dental assistant:DENTAL AUXSource:https://www.ada.org/en/education-careers/careers-in-dentistry/dental-team-careers/dental-assistanthttps://www.bcdental.org/careers-in-dentistry/dental-assistants/#:~:text=Certified%20Dental%20Assistants%20(CDA)%20are,the%20direction%20of%20the%20dentist. -
NO TO ILLEGAL PRACTICE OF DENTISTRY R.A. 9894
dti consumercare
A Public Service Reminder from PDA and DTI
NO TO ILLEGAL PRACTICE OF DENTISTRY R.A. 9894 (The Philippine Dental Act of 2007 )
NO TO DO - IT - YOURSELF ( DIY ) BRACES
Unauthorized use of orthodontic products are punishable by law . These dental devices should be installed only by Professional Regulation Commission ( PRC ) licensed dental practitioners.
HUWAG MAGING BIKTIMA!
Sa Lisensyadong Dentista pumunta!
CONSUMER PROTECTION GROUP -
Share a smile this Christmas season! 2020
Share a smile this Christmas season!
With the overwhelming impact of the pandemic and super typhoons hitting our country, UPCD Batch 2024 has decided to continue the “Share-A-Smile” Christmas Donation Drive initiated by the UP Dentistry Student Council to help the people who were affected by the recent typhoons, Rolly and Ulysses.
This will be a month-long initiative, in lieu of the annual college-wide Christmas party. We hope that through this simple act, we will be able to give joy and hope to our brothers and sisters in Tumuani & Cabagan, Isabela, and that all of us will celebrate and enjoy the holidays with great smiles on our faces.
PAYPAL
itsme.sheilamae@ymail.com
GCASH
Sheila Mae Andres
09212685044
BDO
Sheila Mae S. Andres
6230215585
( for donations sent through BDO, you are required to send a screenshot or photo of your receipt to UPCD Batch 2024's Facebook Page - fb.com/UPCDBatch2024 )
Share-A-Smile Donation Drive is a continuation of the efforts of the UPCD-DSC to provide aid to the victims of the supertyphoons that recently hit the country.
Below are the links of related posts:
MAIN POSTER FOR SHARE-A-SMILE DONATION DRIVE:
https://www.facebook.com/356876541797721/posts/951635402321829/
ART COMMISSIONS FOR DONATIONS:
https://www.facebook.com/356876541797721/posts/954232935395409/
VIDEO PERFORMANCES FROM UPCD STUDENTS:
https://www.facebook.com/356876541797721/posts/951637292321640/
https://www.facebook.com/356876541797721/posts/957155755103127/
UPCD BATCH 2024 FACEBOOK PAGE:
https://www.facebook.com/UPCDBatch2024/
-
"Ngiti Dent": Isang Awitin mula sa UPCD Batch 2024
Ito ay isang napakagandang awitin at video na nilikha ng mga Dentistry Students ng University of the Philippines Manila College of Dentistry Batch 2024. Pakinggan mabuti ang mga liriko ng kanta at napakarami tayong matututunan tungkol sa kahalagahan ng apg-ngiti at tamang pag-aalaga ng kalusugan ng ating mga ngipin at bibig.
UPCD BATCH 2024: https://www.facebook.com/UPCDBatch2024
UP College of Dentistry Batch 2024"Ngiti Dent"
Here's a lil bit of a refresher for you! 🍃🤩 Watch 👀 and listen 👂 to this beautiful song entitled "Ngiti Dent" 🦷😁 by the UPCD UP College of Dentistry Batch 2024. 🎵🎤🎶
This year has been demanding a lot from us but let's not forget that there's always a rainbow after the rain! 🌈 Don't forget to take care of your oral health as well by properly brushing your teeth! 🦷
🦷 Just like how the song goes "Ngiti dent paminsan-minsan!"
-
Tamang Pagsuot ng Facemask
Sa panahon ng Pandemya, ang pagsuot ng facemask ay hindi lamang proteksyon para sa sarili kundi proteksyon din para sa iba. Maging responsable sa tamang pagsuot ng facemask.
Siguraduhing maayos at tama ang sukat ng mask sa iyong mukha.
Dapat ay selyado ang mga gilid at natatakpan ng buo ang ilong at bibig hanggang baba.
Hindi dapat ito maluwag at basta-bastang natatanggal
Inirerekomenda din ang pagsuot ng proteksyon sa mata katulad ng 'goggles' o kaya ay 'faceshield' para sa buong mukha.
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); -
Ano ang Karaniwang Sanhi ng Sakit ng Ngipin?
Photo by Adrian Swancar
Ang mga karaniwang dahilan ng pagsakit ng ngipin ay:
- Pagkabulok at pagkakaroon ng butas sa ngipin
- Aksidenteng nagdulot ng pagkabali, pagkapingas, pagkalog at pagkaalis sa tamang pwesto ng ngipin
- Impeksyon at pamamaga sa mismong loob ng ngipin o gilagid
- Natanggal na lumang pasta
- Pagkabubog sa sobrang tigas ng nanguyang pagkain
1. Komunsulta kaagad sa Dentista lalo na kung tumatagal na ang pananakit at kung mayroong pamamaga, lagnat at hirap sa paglunok (posibleng impeksyon).
2. Kung hindi kaagad makapunta sa dentista,
a. Linising mabuti ang ngipin at ang gilagid (gums) paikot sa ngipin kung kakayanin ito. Dahan-dahan at unti unting sipilyuhin at gumamit ng dental floss sa pagitan dahil maaring ang dahilan ng pagsakit ay duming puno ng bacteria (plaque) o mga paningit (tinga) na nagdulot ng pamamaga ng gilagid.
Photo by Phuong Tran
Photo by Manki Kim on Unsplash
Photo by Amanda Jones on Unsplash
d. Iwasan ang pagkagat at pag-nguya sa ngipin na sumasakit at sa mga katabi nito.
Photo by Khamkhor on Unsplash
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});
charlieddm -
Ano ang maaari nating gawin kapag sumasakit ang ating mga ngipin o gilagid habang may quarantine dahil sa COVID-19?
Ano ang maaari nating gawin kapag sumasakit ang ating mga ngipin o gilagid habang may quarantine dahil sa COVID-19?
Tunay na napakalaking suliranin ang dulot ng pagkalat ng COVID-19. Maraming problema sa kalusugan ang hindi natin mai-konsulta sa mga klinika o ospital sa kadahilanang lubhang napakadelikadong lumabas ng bahay sa panahong ito. Maraming mga "health professionals" ang hindi ngayon makapagbigay ng kanilang mga regular na serbisyo, at kasama na dito ang ating mga dentista. Base sa mga pag-aaral, napakaraming corona virus ang makikita sa laway ng isang taong may sakit ng COVID-19. At dahil ito ay isang respiratory virus, napaka-delikado para sa isang dentista at sa kanyang staff na magbigay ng dental treatments sa kadahilanang loob ng bibig ang ginagamot ng mga ito. Ang mismong paghinga ng pasyente, ang pag-bahin o pag-ubo habang nakabukas ang bibig sa harap ng mukha ng dentista, at lalo na kung may tilabsik ng tubig at hangin (aerosol) ay maaring makapagkalat ng virus sa hangin sa loob ng dental clinic. Ang virus ay maaaring lumutang sa hangin sandali, kumapit sa anumang bagay, malanghap at malaking posibilidad na makahawa sa dentista, sa staff at maging sa kapwa pasyente.
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});
Kaya ngayong quarantine period kapansin-pansin na halos lahat ng dental clinic ay sarado maliban sa ilang mga dental department ng hospital na tumatanggap lamang ng mga emergency dental treatments. Ang pagsarado ng mga klinikang ito ay isa ding paraan para makatulong sa hindi lalong pagkalat ng virus sa ating bansa.
Pero ano nga ba ang maaari nating gawin kung masakit ang ngipin, gilagid o panga natin ngayong quarantine period kung wala tayong mapuntahang dentista?
1. Marami ngayong mga lupon ng mga dentista at espesyalista ang nagbibigay ng libreng online consultation para matulungan pansamantala ang mga nangangailangang pasyente. Maari makipagusap sa pamamagitan ng online message sa social media (facebook or twitter) o sa telepono at doon sila makakapagbigay ng dental "advice" o konsultasyon. Maaaring hindi kumpleto ang impormasyon dahil sa kawalan ng totoong checkup at mga kailangang "diagnostic tools" pero kahit papaano ay malaking tulong pa rin ito.
Ilang halimbawa nito ay ang:
"UP DENTISTA PARA SA BAYAN" na binubuo ng mga boluntaryong dentista mula sa (UP) Unibersidad ng Pilipinas Dental Alumni Association ay nagbibigay ng LIBRENG ONLINE DENTAL ADVICE
PUMUNTA SA UP DENTISTA PARA SA BAYAN facebook Page
PUMUNTA SA UP DENTISTA PARA SA BAYAN facebook Group
________________________
Philippine Academy of Dental Public Health
LIBRENG ONLINE CONSULTATION MULA SA PADPH
______________________
Philippine Pediatric Dentistry Society
LIBRENG ONLINE CONSULTATION MULA SA PPDSI
______________________
Philippine College of Oral and Maxillofacial Surgeons
_____________________
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); 2. Maari din tumingin sa mga impormasyon sa internet tungkol sa mga pansamantalang lunas sa problemang pang dental. Ilan sa mga artikulo sa internet ay maaaring makatulong, pero dapat maging mapanuri tayo sa mga artikulong hindi katanggap-tanggap ang nilalaman pati na rin ang nagsulat at website na pinanggalingan. Ilang halimbawa ng mga artikulo tungkol sa denta home remedies na base ang nilalaman sa mga tunay na seyintipikong pag-aaral o research ay ang mga sumusunod:
Learn what first-aid steps to take if you have a toothache
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); Mayo Clinic
https://www.mayoclinic.org/first-aid/first-aid-toothache/basics/art-20056628
___________
10 Home and Natural Remedies for Toothache Pain
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); Healthline.com
__________
Basahing mabuti ang mga artikulo bago sundin lahat ng mga payong nilalaman ng mga ito. Kung hindi malinaw at hindi gaanong naiintindihan ay huwag muna sundin at kung maaari ay humingi muna ng payo sa mga dentistang nagbibigay ng online konsultasyon.
Kung tunay namang mga dental related emergency katulad ng:
1. sobrang impeksyon na may pamamaga ng mukha malapit sa mata at sa lalamunan na may kasamang hirap sa paghinga at lagnat
2. Tuloy tuloy na pagdudugo na hindi mapigilan kahit pa kumagat ng bulak
3. Aksidente o Trauma na nagdulot ng pagkatanggal ng ngipin, sobrang pagdurugo, pagkabasag ng panga at patuloy na pananakit na hindi malunasan ng gamot.
Kinakailangang malunasan ito kaagad at kailangang maitakbo sa emergency room ng hospital na mayroon sanang bukas na dental department.
CNATIENZA, DDM
References:
https://academic.oup.com/cid/article/doi/10.1093/cid/ciaa149/5734265
http://www.sdcep.org.uk/wp-content/uploads/2020/03/SDCEP-MADP-COVID-19-guide-300320.pdf
https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/hcp/dental-settings.html
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); -
UP DENTAL ALUMNI ASSOCIATION: Libreng Konsulta sa Dentista Online Habang Panahon ng COVID-19 Quarantine
UPDAA & UPCD:
Dentista Para Sa Bayan free online dental advice This is a public service from your UP DENTISTS for FREE online dental advice while we are on community quarantine. Maaring isulat ang tanong sa Tagalog, Ingles o sariling dialekto na nakalagay sa isang post at sasagutin lamang sa "comment section"
This initiative was spearheaded by the UPDAA led by the current President Dr. Rochelle Javier (UPCD96) in partnership with the UP College of Dentistry.
GO TO THE UP DENTISTA PARA SA BAYAN FB GROUP
Please like, join and share:
Link 1: FB PAGE
Link 2: FB GROUP
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});
-
Tips for prevention against COVID 19 (up.edu.ph)
Tips for prevention against COVID 19Source: https://www.up.edu.ph/index.php/novel-coronavirus-2019-ncov-advice-for-the-up-community/Follow these infectious respiratory disease-prevention rules from the Department of Health PH and World Health Organization:- OBSERVE PROPER HAND HYGIENE. Wash your hands frequently with soap and water for 20 seconds (or two rounds of “Happy Birthday”), and, if available, use an alcohol-based hand sanitizer.
- REMEMBER THAT YOUR FACE IS SACRED. Avoid touching your eyes, nose and mouth. Your hands may have touched contaminated surfaces, and you can transfer germs from the surface to yourself.
- RESPECT PERSONAL SPACE. Avoid crowded places and maintain at least a one-meter or three-foot distance between yourself and other people, particularly those who are coughing, sneezing and have a fever.
- PRACTICE GOOD COUGH ETIQUETTE. Cover your mouth and nose with a tissue when you cough or sneeze and properly and immediately dispose of the tissue. Wash your hands properly afterward. (Refer to Item No. 1.) You may be asked to wear a face mask to protect others.
- WEAR THE FACE MASK PROPERLY. Wear the face mask with the colored side facing outward, fully covering the nose, mouth, and chin. Never touch the mask with your hands. Remove the mask by holding only the strings. Properly dispose of the mask. Wear a face mask only when necessary, such as if you are immunocompromised or have a cough and cold.
- AVOID EATING RAW OR IMPROPERLY COOKED ANIMAL PRODUCTS, as COVID-19 is also animal-transmitted. (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});
- WASH YOUR HANDS WITH SOAP AND WATER AFTER CONTACT WITH PETS. Although there is no evidence yet that pets can be infected with COVID-19, this will help prevent the spread of other germs such as E. coli and Salmonella. Also, wash your hands with soap and water after visiting an animal market or wet market, and avoid unprotected contact with wild or farm animals.
- WASH YOUR HANDS AFTER HANDLING THINGS SUCH AS DOOR KNOBS AND TABLE TOPS. Although coronaviruses do not survive long on objects such as letters and packages, they have been detected on places like door knobs, table tops or other surfaces.
- KEEP YOUR GADGETS AND PERSONAL ITEMS CLEAN. Disinfect your mobile phones, tablets, laptops, bags, eyeglasses, etc. regularly.
- GET YOUR INFORMATION ONLY FROM THE PROPER AUTHORITIES to prevent the spread of fake news and disinformation. Proper health authorities include your University Health Service on campus, the Department of Health and its city and regional offices, and the WHO.
- BOOST YOUR IMMUNE SYSTEM by eating a balanced diet, getting enough sleep and exercise, and drinking plenty of water. A strong immune system will be better able to fight off COVID-19, as well as other diseases.
-
Ligtas ba ang Root Canal Treatment?
Kaligtasan ng Root Canal Treatment
Matagal ng napatunayan na ang root canal treatment ay isang ligtas na pamamaraan ng paggamot sa mga ngiping may impeksiyon. Daan daang siyentipikong pag aaral na ng mga dalubhasa ang ginawa tungkol sa kaligtasan nito. Gayunman, patuloy pa rin ang maling impormasyon na kumakalat sa Internet na maaaring maging sanhi ng maling akala o pagkaduda sa kaligtasan nito. Ang grupo ng mga dalubhasa o espesyalistang dentista sa larangan ng "Endodontics" sa America ay nagbigay ng opisyal na pahayag tungkol sa kaligtasan ng treatment na ito at upang maitama ang mga maling balita na kumakalat sa internet.
Mapapanood sa video sa ibaba ang mga kaparaanang makakatulong sa mga dentista upang maipaliwanag at maituro sa kanilang mga pasyente ang kaligtasan ng root canal treatment. Itong video na ito ay galing sa mga eksperto mula sa AAE American Association of Endodontists
Root Canal Safety Talking Points Information to share with patients concerned about the safety of root canal treatment
https://www.aae.org/specialty/wp-content/uploads/sites/2/2017/06/rootcanalsafetytalkingpoints.pdf
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); Mga Mahahalagang Punto sa Usapin Tungkol sa Kaligtasan ng "Root Canal Treatment"
American Association of Endodontists (AAE)
(Isang Lupon sa America ng mga Dentistang Espesyalista sa Paggawa ng Root Canal Treatment)
• 25 million endodontic treatments are performed every year, safely and effectively. If it were true that root canals caused diseases like cancer, there would be much more information about it available in peer-reviewed scientific publications, and root canals would not be the preferred treatment option to save teeth.
• There is no valid, scientific evidence linking root canal-treated teeth and disease elsewhere in the body. Data showing that “97 percent of cancer patients had root canal treatment” has not been published anywhere. There is no causality between root canals and cancer; just because a person has experienced both doesn’t mean a cause-and-effect relationship exists.
• Claims that root canals are not safe are based on research that’s nearly 100 years old and has long been debunked.
• As recently as 2013, a study published in a journal of the American Medical Association (JAMA Otolaryngology—Head & Neck Surgery) found that a patient’s risk of cancer doesn’t change after having a root canal treatment; in fact, patients with multiple endodontic treatments had a 45 percent reduced risk of cancer.
• Advancements in medicine, techniques and technologies have made endodontic treatment a more predictable, successful treatment than ever before. Today, digital imaging, rubber dams, rotary instruments, powerful disinfectants and medicated filling materials help ensure successful root canal treatment.
• When a severe infection in a tooth requires endodontic treatment, that treatment is designed to eliminate bacteria from the infected root canal, prevent reinfection of the tooth and save the natural tooth.
• The only alternative to endodontic treatment is extraction of the tooth. Extraction is a traumatic procedure and is known to cause a significantly higher incidence of bacteria entering the bloodstream.
• You wouldn’t cut off your hand if you broke a finger, so why would you extract your natural tooth if it could be saved? Nothing looks, feels or functions like your natural tooth - it should be saved whenever possible. Root canal treatment, along with appropriate restoration, is usually faster and less expensive than extraction and implant surgery. In most cases, endodontic treatment allows patients to keep their natural teeth for a lifetime.
• Media reports stemming from a study published in the September 10, 2015, issue of Nature claim that the proteins that indicate Alzheimer’s disease may be transmitted from one person to another during medical procedures including root canal treatment. There is no evidence that root canal treatment is a risk factor for Alzheimer’s disease.
• There is nothing definitive in the Nature study. It involved a small sample of eight patients who died from Mad Cow Disease. The brain tissues of seven patients showed signs of the protein associated with Alzheimer’s but they had no symptoms of Alzheimer’s. The study authors speculate that the proteins were transmitted when the patients had injections to treat their Mad Cow Disease.
• While the prion protein has reportedly been transmitted to medical patients through exposure to blood, inadequately sterilized neurosurgical instruments and a variety of cadaver-derived materials, there has never been a confirmed case of CJD transmitted through dental treatment.
• There are procedures in place to minimize infection risk from endodontic instruments such as files and reamers. Many endodontists employ single-use instruments and, if not, instruments are thoroughly sterilized prior to each use.
• The study author said, ““It is possible our findings might be relevant to some other medical or surgical procedures, but evaluating what risk, if any, there might be requires much further research. Our current data has no bearing on dental surgery and certainly does not argue that dentistry poses a risk of Alzheimer’s disease.”
• The Alzheimer’s Society’s director of research issued a statement in response to the Nature report saying, “While these findings are interesting and warrant further investigation, there are too many unknowns in this small, observational study of 8 brains to draw any conclusions about whether Alzheimer’s disease can be transmitted this way. There remains absolutely no evidence that Alzheimer’s disease is contagious or can be transmitted from person to person via any current medical or dental procedures." -
ISANG PAALALA: BUMISITA SA DENTISTA KADA ANIM NA BUWAN
BUMISITA SA IYONG DENTISTA TUWING ANIM NA BUWAN.
Mahalaga ang pag-papatingin at pagpapalinis ng ngipin sa ating mga dentista. Dapat tayong bumisita sa kanila 2x sa isang taon at hindi lamang tuwing may masakit sa ngipin
natin. Ito ang paraan upang maiwasang magkaroon ng malalang problema sa kalusugan ng ating bibig.
WWW.NGIPIN.PINOYDENTAL.COM