logo  

Go to Home Page MyDentSpace Community Submit a Press Release or Blog (For Members) Contact Us

Home arrow Press Releases arrow General Topics arrow Ang tamang pamamaraan ng pag-aalaga ng sensitibong ngipin
  feedback sitemap
Saturday, 20 September 2014  

Visitors: 17060732
Health DirectoryHEALTH DIRECTORY
Ads Menu
Post your Ads
SPONSORS

 
2 out of 3 Employers Find Qualified Candidates wit
Jobs in Canada

 

Thank you for your support.

Enter Amount:


SECTIONS

 

 email us  Email Us
 FAQs FAQs
 Info More Info
 Dental Health News Health News
 Dentist Community News Dentist News

 

Ang tamang pamamaraan ng pag-aalaga ng sensitibong ngipin PDF Print E-mail


Ikaw ba ay nakaranas ng kirot habang umiinom ng malamig na softdrinks o kaya’y habang humihigop sa iyong paboritong mainit na sabaw o kape? Naluha ka na ba dahil sa kirot kapag ikaw ay kumagat sa iyong paboritong tsokolate? Kung ang sagot mo ay oo, may malaking posibilidad na ikaw ay dumaranas ng sensitibong ngipin!

Ano ang sanhi ng problemang ito? Ang problema ng sensitibong ngipin ay maaaring magmula sa maraming dahilan. Ito ay pwedeng madalas sanhi sa mga sumusunod na halimbawa:

  1. Di sinasadyang pagkagat sa isang matigas na bagay na nakapagdulot ng pagkabugbog ng gilagid o buto na sumusuporta sa ugat ng ngipin.
  2. Pagkabasag (fracture) at pagkasira (decay) ng “enamel” at “dentin” na parehong bumabalot sa pinaka-laman ng ngipin (Pulp: nerve at blood supply).
  3. Pagkapudpod ng ngipin lalo na sa may bandang gilagid sanhi ng di tamang pamamaraan ng pagsisipilyo at pati na rin sa pagka-hilig sa pag-inom o pagkain ng mga acidic o sobrang maaasim na inumin at pagkain.
  4. Sobrang pagdami ng “plaque”  o malagkit na dumi na puno ng bacteria na nakakapit sa ngipin.  Ang mga bacteria na ito ay naglalabas ng mga acido na nagdudulot ng pagkasira ng ngipin at pamamaga ng gilagid.

Para malutasan ang prolemang ito, makabubuti kung ikaw ay magpatingin sa iyong dentista para matuklasan kung ano ang bunga ng suliranin.  Bukod sa mga nabanggit sa itaas, marami pang pwedeng dahilan ng sobrang pangingilo at ang dentista lamang ang maaring makatuklas ng sanhi nito.

hindi ka pa nakakabisita sa dentista, maari mo munang sundin ang mga panukala sa ibaba:

  1. Ang pagsisipilyo at paggamit ng dental floss ay inirerekomenda na  tatlong (3) beses sa isang araw.  Ang mga ito ay makakatulong makaiwas sa pagdami ng plaque, ngunit kinakailangan pa rin magpalinis sa dentista ng kahit dalawang (2) beses man lamang sa isang taon.
  2. Kung sensitibo ang pudpod na bahagi ng ngipin malapit sa iyong gilagid, isang mabuting paraan upang malutasan ang problemang ito ay ang pag gamit ng desensitizing toothpaste na may mataas na fluoride content.  Ang produktong ito ay makakatulong sa pagbawas ng pangingilo.  Para hind maging grabe ang pagkapudpod, dapat gumamit ng sipilyong may “soft” bristles.  Huwag kalimutang itanong sa iyong dentista ang tamang pamamaraan ng pagsisipilyo at paggamit ng floss .
  3. Kung sobra ang pangingilo, umiwas sa sobrang dalas na paginom ng mga acidic na inumin katulad ng softdrinks, maaasim na juice at pati na rin mga sobrang maasim na pagkain at prutas.

Ang mga ito ay panandaliang makakatulong sa iyo, pero huwag palilibanin ang pag bisita sa dentista para mas mapaliwanag sa iyo at mabigyan ng tamang solusyon ang problemang ito.  Tandaan na kahit walang sumasakit sa ngipin mo, dapat ay makabisita ka sa dentista mo ng “minimum” na dalawang beses sa isang taon.

 

Comments  

 
0 #4 roxy 2013-09-13 15:24
gud eve, mgpapbunot po aq ng apat na ipin s baba, pero blak q dn po palitan ng jacket mismung arw na un. possible po b un?
Quote
 
 
0 #3 roxy 2013-09-13 15:23
gud eve, mgpapbunot po aq ng apat na ipin s baba, pero blak q dn po palitan ng jacket mismung arw na un. possible po b un?







:sigh:
Quote
 
 
0 #2 marilou naval 2012-06-10 10:53
ano po ang cause ng pangingilo pagkatapos pastahan ang ngipin? normal ba ito? ilang araw bago ito mawala?
Quote
 
 
0 #1 heidz 2012-05-25 04:32
jaz want to ask po kung pwede ko na padentist ang anak ko 5 na cia and my mga decay teeth na sya..I really need you're reply..tnx
Quote
 

Add comment

Before posting a comment please read Pinoydental's Disclaimer, Terms and Conditions. We reserve the right not to publish posts that are inappropriate and offensive. Post approval may take a while, we apologize for possible delays.


Security code
Refresh

< Prev   Next >

 
MyDentSpace Login
Visit the Philippines for your Dental Treatment Needs
ADVERTISE HERE!
Search MyDentSpace
MydentSpace Members

 PRESS RELEASES AND BLOGS

Press Releases & Blogs
NEWS SECTION Learn about the Stock Market Place your company logo here and advertise at pinoydental Pinoydental is on facebook! Become a Fan! Dental Tourism Resources Pinoydental on blogspot.com! Join the Scuba enthusiasts and reef conservation community Follow pinoydental.com on Twitter! Pinoydental at wordpress.com Dentpro Dental Services Providers: Tel: 986-4127 Place your company logo here and advertise at pinoydental EASYFOREX.COM : The Ultimate Trading Machine. Join Now Pinodent Dental Office Management Software pinoydental at Friendster Start your Website business here Dentist and Student Resources
 
Copyright © 2007 pinoydental.com All Rights, Reserved. !