pinoydental.com - Ang Tamang Paggamit ng Antibiotics
 
logo  

Go to Home Page MyDentSpace Community Submit a Press Release or Blog (For Members) Contact Us

Home arrow Press Releases arrow Kalusugang Pang-Ngipin at Pang-Bibig arrow Ang Tamang Paggamit ng Antibiotics
  feedback sitemap
Friday, 21 July 2017  

Visitors: 24705245

 

 email us  Email Us
 FAQs FAQs
 Info More Info
 Dental Health News Health News
 Dentist Community News Dentist News

 

Ang Tamang Paggamit ng Antibiotics



Ang antibiotics ay gamot na ginagamit pangontra sa anumang impeksyon maging ito ay sa loob ng bibig o kahit sa anumang parte ng katawan.
Madaming klaseng antibiotics na may iba't-ibang aksyon laban sa iba't-iba ring klase ng mikrobyo na nagdudulot ng impeksyon at sakit/karamdaman sa katawan ng tao.  Tunay na napakahalaga ng gamot na ito dahil maraming buhay na ang nailigtas laban sa mga impeksyon at sakit na maaaring nakamamatay.
Isang problema ngayon na hinaharap ng ating mga doktor at siyentipiko ay ang pagkakaroon ng mga mikrobyo o bacteria na nagigiging mas mabagsik at hindi na tinatablan ng ilang mga antibiotics. Ang malaking dahilan nito ay ang hindi tamang paggamit ng mga gamot na ito. 
Naglabas ng ilang mga alituntunin ang WHO o World Health Organization para maiwasan ang maling paggamit ng mga antibiotics.  Nararapat na ang mga ito sundan ng bawat isa dahil nakakatakot isipin na dumating ang panahon na ang mga sakit at impeksyon na dulot ng mga bagong mikrobyong ito ay hindi na tatablan ng kahit anumang antibiotics.  Sa atin ngayon nakasalalay ang kararatingan at kinabukasan nito at sana ay huwag natin pahintulutan na mangyari ang suliraning ito. 

Ang sumusunod ay ang mga alituntunin ng WHO:
1. Sundan ang reseta ng doktor ukol sa klase ng antibiotics na gagamitin.
2.  Kahit umayos na ang pakiramdam, tapusin pa rin kung gaano katagal at kadami ang dami na dapat iinuming antibiotics base sa reseta sa iyo ng doktor mo.
3. Huwag na gumamit ng mga luma at tira-tirang antibiotics dahil baka hindi na epektibo ito
4.  Huwag na maki-inom ng antibiotics ng iba at sundin lamang kung ano ang naireseta sa iyo
5. Para maiwasan ang kung anumang impeksyon, palaging maghugas ng kamay, umiwas sa ibang taong may sakit at siguraduhing epektibo pa ang mga bakuna mo sa pamamagitan ng regular na pagpapakonsulta sa iyong doktor

Cnaddm


http://ngipinatbp.blogspot.com/2016/10/ang-tamang-paggamit-ng-antibiotics.html

 
< Prev   Next >

 
MyDentSpace Login
Visit the Philippines for your Dental Treatment Needs
We have 2 bisitas online.
We have 1487 MyDentSpace members registered.
ADVERTISE HERE!
 
Copyright © 2007 pinoydental.com All Rights, Reserved. !