pinoydental.com - Ano ang "Oral Irrigators"?
 
logo  

Go to Home Page MyDentSpace Community Submit a Press Release or Blog (For Members) Contact Us

Home arrow Press Releases arrow Kalusugang Pang-Ngipin at Pang-Bibig arrow Ano ang "Oral Irrigators"?
  feedback sitemap
Tuesday, 21 November 2017  

Visitors: 25423673

 

 email us  Email Us
 FAQs FAQs
 Info More Info
 Dental Health News Health News
 Dentist Community News Dentist News

 

Ano ang "Oral Irrigators"?

Ang "Oral Irrigator"

Ang oral irrigator, na kilala din sa tawag base sa mga popular na brand katulad ng "water pick", "oxyjet", "hydro floss" o "water jet", ay isang gamit para sa personal pag-aalaga ng kalusugan ng sariling ngipin at gilagid.



Ito ay isang maliit na "home care device" na gumagamit ng mapinong sirit ng tubig para linisin ang mga pagitan ng ngipin at gilagid. Nakakatulong ito para bugahan ng tubig ang mga kasuluk-sulukan ng mga lugar sa bibig katulad ng ilalim "fixed bridge", "orthodontic braces" at iba pa na hindi maabot ng ordinaryong sipilyo.  

Ang konsepto nito ay parang katulad ng sirit ng tubig na ginagamit sa mga "car wash" para maabot ang sulok at ilalim ng sasakyan.  Ang pressure ng sirit ng tubig ang  nakakatulong para tanggalin ang mga nakakapit at malagkit na dumi. Sa ngipin at gilagid, ang mga duming ito ay tinatawag na "plaque" na puno ng mga bacteria na nakakapag dulot ng pamamaga ng gilagid (gingivitis) at pagkasira ng ngipin(caries o tooth decay/cavities).

Base sa isang pag-aaral sa University of Southern California, ang paggamit ng oral irrigator ng 3 segundong sirit ng tubig  [3 second treatment of pulsating water (1,200 pulses per minute) at medium pressure (70 psi) 1] ay nakapagtanggal ng 99.9% ng plaque biofilm sa parte ng siniritan nito. Tunay na malaki ang naitutulong nito sa paglinis ng ating mga ngipin at bibig pero hindi dapat ituring na kapalit ng toothbrushing at dental flossing.  Ito ay "adjunct" o karagdagang tulong lamang, mahalaga at walang kapalit pa rin ang tamang pamamaraan ng pag-sipilyo at paggamit ng dental floss.


References:

1.  Gorur, A; Lyle, DM; Schaudinn, C; Costerton, JW (2009). "Biofilm removal with a dental water jet". Compendium of continuing education in dentistry. 30 Spec No 1: 1–6.





http://ngipinatbp.blogspot.com/2016/07/ano-ang-oral-irrigators.html

 
< Prev   Next >

 
MyDentSpace Login
Visit the Philippines for your Dental Treatment Needs
We have 6 bisitas online.
We have 1487 MyDentSpace members registered.
ADVERTISE HERE!
 
Copyright © 2007 pinoydental.com All Rights, Reserved. !