pinoydental.com - "Bakit Mahalaga Ang Baby Teeth?" by Maritess O. Villarico, DDM, MFLCD
 
logo  

Go to Home Page MyDentSpace Community Submit a Press Release or Blog (For Members) Contact Us

Home arrow Press Releases arrow Kalusugang Pang-Ngipin at Pang-Bibig arrow "Bakit Mahalaga Ang Baby Teeth?" by Maritess O. Villarico, DDM, MFLCD
  feedback sitemap
Wednesday, 22 November 2017  

Visitors: 25425151

 

 email us  Email Us
 FAQs FAQs
 Info More Info
 Dental Health News Health News
 Dentist Community News Dentist News

 

"Bakit Mahalaga Ang Baby Teeth?" by Maritess O. Villarico, DDM, MFLCD

Bakit Mahalaga Ang Baby Teeth?
by 
Maritess O. Villarico, DDM, MFLCD

Member of the Faculty of Pediatric Dentistry 
Department of Clinical Dental Health Sciences
College of Dentistry
University of the Philippines Manila




Mataas ang insidente ng “dental caries” o pagkasira ng ngipin sa ating bansa. Sa pinakahuling survey na ginawa ng Department of Health noong 2011, lumabas na 8.8 sa bawat 10 bata na may edad na limang taong gulang ang may sirang ngipin. Kung ganito ang sitwasyon ng kalusugan ng mga batang Pinoy, maaari kayang sabihin na isa sa dahilan ay ang pagsasantabi ng mga magulang dahil, “Baby teeth lang naman yan”?  
  
Ang pagkakaroon ng malusog na bibig ay kasama sa matibay na pangangatawan. Bukod sa pangkain at pangnguya, ginagamit ang mga ngipin sa pagsasalita at sa pagbibigay ng kumpiyansa dahil sa magandang ngiti at malusog na hininga. Ang mga baby teeth din ang nagsisilbing gabay sa paglabas ng mga permanent teeth.  Sa pagpili ng mga madidikit at matatamis na pagkain at inumin at hindi sapat na pag-aalaga, mabilis na malulusaw ng mga bacteria ang mga ngipin na hindi maayos na nalilinisan. At pag nasimulan ang pagkasira ng ngipin, sa loob ng 3-6 na buwan ay maaari nang maramdaman  ng bata ang epekto ng sakit at impeksyon.

Ang kasabihang, “Sakit sa kalingkingan, ramdam ng buong katawan” ay maiisip sa pagkakataon ng sakit sa ngipin.  Ang batang may dinaramdam dahil sa impeksyon sa bibig ay maaaring walang ganang kumain o maglaro, mapili sa pagkain at hirap sa pagtulog kaya mabagal ang paglaki, iyakin, bugnutin, matamlay o mahiyain. Hindi kailangang sabihin ng bata ang masamang pakiramdam para malaman ng magulang na mayroon siyang dinaramdam. Ngunit hindi na dapat humantong sa malalang sitwasyon ang isang sakit na madali namang maiwasan sa pamamagitan ng tamang pag-aalaga at pamumuhay. Ang pinakamabisang pangkontra sa pagkakaroon ng sirang ngipin: tamang pagkain, sapat na pasisipilyo na may kasamang fluoride-containing toothpaste at palagiang pagbisita sa dentista. Bilang magulang, mahalaga rin na maging mabuting ehemplo sa mga anak dahil, “Kung ano ang ginagawa ng matanda ay siya ring gagawin ng mga bata.”

About the Author:


Dr. Maritess Oliveros Villarico

Dr Tess, as her patients call her, graduated from the University of the Philippines where she obtained her Doctor of Dental Medicine and Master in Family Life and Child Development degrees. She then pursued post-graduate training in the field of Pediatric Dentistry from the Pediatric Dentistry Center, the training arm of the Philippine Pediatric Dental Society Inc. She is currently a faculty member of Pediatric Dentistry at the College of Dentistry of the University of the Philippines Manila. She is also the immediate Past President of the Philippine Pediatric Dental Society, Inc. 

http://ngipinatbp.blogspot.com/2014/10/bakit-mahalaga-ang-baby-teeth-by.html

 
< Prev   Next >

 
MyDentSpace Login
Visit the Philippines for your Dental Treatment Needs
We have 3 bisitas online.
We have 1487 MyDentSpace members registered.
ADVERTISE HERE!
 
Copyright © 2007 pinoydental.com All Rights, Reserved. !